
2017


poetry, Carayan Vol3. No.1 2017
Tahimik Daw sa Davao
by Jeric F. Jimenez
Tahimik daw sa bayan ng Pangulo
ito ang inilako sa kanyang kampanya.
Tahimik daw sa Davao
makapaglalakad sa lansangan
ang mga kababaihan nang walang
takot sa dibdib
o pangambang
masipulan, manakawan, mahalay.
Tahimik daw sa Davao, takot
manloko ang mga durugista
o nilang kampon ng kinalimutan
ng pamahalaan
o nilang piniling maging
Panginoon ang karangyaan.
Tahimik sa bayan ng Pangulo
Tahimik daw sa bayan-bayan
ng Davao. Walang gulo.
Walang riot. Walang masasama.
Sana, ganito din katahimik,
sa buong mundo.
© 2017 English Department, Xavier University - Ateneo de Cagayan
ISSN 2467-5679
All poems, stories and other contributions copyright to their respective authors