
2017


poetry, Carayan Vol3. No.1 2017
Matapos ng Pagsabog
by Jeric F. Jimenez
Bago agawin ng bomba ang liwanag ng pamilihan,
tahimik ang damdamin ng bawat isa
patuloy sa kuwentuhan
pagpapalitan ng mga bago
lumang istorya
marahil nang maghapon o marahil ng unos,
paparating
at kung paano babangon.
Tahimik sa pagkaabala ang bawat isa
nang saklutin, bigla-bigla ng pagsabog
sa kung saan-saan.
Nagkagulo ang lahat
humiyaw ng tulong ang mga sugatan
naligo sa sariling dugo.
Ninakaw ang katahimikan
ng mga pag-ibig, marahil,
di malirip, di pa mahagip.
Matapos ng unos, ng pagsabog,
sumaboy ang tulong,
sumabog ang pagsagip sa mga pag-asa.
© 2017 English Department, Xavier University - Ateneo de Cagayan
ISSN 2467-5679
All poems, stories and other contributions copyright to their respective authors