
2017


poetry, Carayan Vol3. No.1 2017
Bisaya
by Jeric F. Jimenez
Sa totoo lang,
di nakatutuwa ang paggamit sa pagiging bisaya
sa pagpapatawa sa telebisyon o radyo.
Katumbas, lumalampas ng pagbatok sa kumidyante
o ng lumang pelikula ni Dolphy
o ng walang katorya-toryang pelikula
ng pantasya o ng pagpapatawa nina Tito, Vic, Joey.
Sa totoo lang,
di nakatutuwa ang paggamit sa pananalita ng mga bisaya
upang makapagpatawa sa telebisyon o radyo.
Nanatiling katulong o kasambahay
di kalauna’y punching bag
ng mga sikat o sikat-sikatan.
Sa totoo lang,
di nakatutuwa ang paggamit
sa pananalita o accent ng mga bisaya sa midya,
sa radyo man o telebisyon.
Totoo ang mga bisaya,
palakaibigan, mangingibig,
at buhay na buhay ang wika!
© 2017 English Department, Xavier University - Ateneo de Cagayan
ISSN 2467-5679
All poems, stories and other contributions copyright to their respective authors